Videoke Fave Five
We spent the hot and humid Saturday afternoon singing our lungs out testing the Magic Sing mama has bought about a year ago (napansin nyo ba na bigla na lang umulan nung bandang early evening?? hehehe..). Oks pa naman yung Magic Sing. It’s was working perfectly well, except that our song chips were quite outdated. Wala pa yung mga ibang songs na maririnig sa MTV, Channel V, and even sa Myx.
So while we’re at it, na-discover ko rin last Saturday ang aking top 5 Videoke / Magic Sing songs. Ito yung mga songs na nakanta ko ng "effortlessly", mala-diva, at syempre, hindi nawala sa tono:
5. Shower Me With Your Love - Atlantic Starr
4. Bluer Than Blue - di ko maalala ang singer..
3. The Old Songs - Barry Manilow
2. Rainy Days and Mondays - The Carpenters
and ang aking Top 1 Song kung saan ako ay himalang nakakuha ng 95 na score ay…
1. Superstar - The Carpenters
Na-discover ko na kaya ng vocal prowess ko ang mga songs na pinasikat ng famous 70’s singer na si Karen Carpenter (sana sinasabayan rin ng body size ko ang body size nya minus her anorexia). Sa sobrang pagka-aliw ko nga ay nagdownload pa ako nung ng mp3’s nung mga songs na yan.. wala lang.. feel ko lang na mag-specialize sa mga kantang yan… pang practice para next time na mapasubo ako sa videoke times sa office, eh may pambato na rin akong songs. O diba? Eh kayo, any favorite videoke songs? =)

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.