Rebonded
After ng mga nakaraang serious blog entries ko, I have decided to shift to a lighter mood now. Parang way ko rin ito to somehow thaw and defrost from the coldness of Minnesota. It’s like my way of saying welcome to the warmth brought about by the start of summer here in Manila.
Kung hindi nyo na itatanong, isa sa mga small (and secret) dreams ko nung bata pa ako eh maging commercial model, lalo na yung commercial model ng shampoo. There’s something about the way those commercial models flip their hair, that leaves me mesmerized. Sabi ko nun kay Mama, sana maging shampoo commercial model din ako, kahit na hindi na ipakita yung face ko, basta maging super flowing lang ang hair ko on and off-cam. Sa kasamaang palad, hindi naging super-straight, super-soft ang hair ko. Minalas ako at di ko namana yung straight and manipis na texture ng buhok ng nanay ko. Instead, wavy, makapal, at coarse yung texture ng buhok ko. Kaya nga ayoko mag-horse back riding nun. Baka mapagkamalan kasi na hair extensions ko yung buhok ng kabayo. Sa paglipas ng panahon, natanggap ko na tali na sa tali ng ponytail ang hair ko. At dumating pa ang worst torture sa buhok ko nung pinadala ako sa Minnesota at the height of winter. Kung nung bago ako umalis eh wavy lang ang buhok ko, nung dumating ako eh frizzy na sya. Halos close-to kinuryente ang itsura ng buhok ko. Kung noon eh ayaw ko lang mag-horseback riding, nung bumalik ako ng Manila, eh ayaw ko na dumikit sa walis tambo, kasi hindi na sila nagkakalayo ng itsura at texture.
If there’s one thing na magandang naidulot sa akin ang pagpunta ko ng US (aside from the training and learning experience), eto yung nakapag-ipon ako ng kahit konti. At kasama dyan sa pinag-ipunan ko na yan eh ang "pagpapagamot" ng nakakaawa ko nang buhok. Matagal na panahon na rin nagtiis ang buhok ko patsi-patsing hair treatments gaya ng hot oil and hair relax. I think this time, it deserves a major overhaul. Ito ang reason kung bakit finally ay nagpa-rebond na ako. May kamahalan sya kung tutuusin, pero nung nakita ko naman ang results ay nakita kong sulit. Hindi lang yung hair ko ang nabuhayan ng loob. Even my self-confidence had a major boost. Hindi naman lumaki ang ulo ko. Let me get this straight. The praises and good comments were just enough to lift my damp spirit to its normal level. After several years na parang preso ng ponytail ang hair ko, nakalaya din sya. Kaya sa mga nakakaisip magpa-rebond, GO SISTER (or sige.. BROTHER din.. in case guy ka at feel mo rin magpa-rebond)! Take it from me, it works wonders! Aside from repairing one’s hair, it also repairs one’s self-confidence and self-perception.

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.