header image
 

Eh Kasi Babae

Eto yung tipo ng blog entry, na kahit gaano kaikli, eh kailangan ko lang isulat para lang makapag-let-go ako ng steam…
 
Minulat ako ng mga magulang ko, at maging ng eskwelahang pinasukan ko ng mahigit 10 taon, na pantay-pantay ang lahat ng tao, regardless kung babae or lalake ka. Na pare-parehas naman tayong mga anak ng Diyos, na may pantay-pantay na rights. Iminulat ako sa thought na hindi dapat nasusukat ang tao sa kung ano ang nasa pagitan ng mga binti nya, kungdi kung paano nya ginagamit ang nasa pagitan ng tenga nya, at kung ano ang tunay na kulay nung nasa pagitan ng ribs nya.
 
Hindi ko naman kasalanan na isinilang ako na babae. Hindi ko rin kasalanan na naawa sa akin ang Diyos at biniyayaan ako ng mga capabilities na napapakinabangan ko ng husto. At lalong hindi ko kasalanan na naging magkasing-level ang skills natin kaya naging qualified and capable ako sa gawaing akala nyo eh kayo lang ang makakagawa. Kung nakakagulat makakita ng babaeng may capacity na makapag-isip, haller! Wake up and smell the flowers!! At kung sa palagay mo na nananahimik ako dahil sa aking pagiging babae, puwes think again. Ayoko na lang ng gulo. Ayoko rin bumaba sa EQ level mo.
 
Much respect to my male friends who have respect for women, and who think fair of women. Tunay kayong lalake. Stay that way. 

~ by altered-aura on August 15, 2007.

3 Responses to “Eh Kasi Babae”

  1. Sino ba yan?!? Square nalang kamo!!! hahaha =p

  2. mukhang may chavaunist na nakapagbitaw nang hindi magandang mga salita sa yo ah

  3. Kulang lang sila sa sex. Hahahaha!

    Wag mo na patulan, baka umiyak pa. :P

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.